Viral ngayon sa social media ang ginawang pag-unfollow ni Toni Gonzaga sa kanyang mga Showbiz friends sa Instagram. 

Ito ay matapos 'ma-cancel' sa social media nang pumayag siya na maging host sa UniTeam proclamation rally nitong Pebrero 8, 2022.

Pumayag siyang maging host sa commencement  ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio para sa presidency at vice-presidency campaign sa Bulacan.

“Tapos na, may nanalo na, tapos ang laban. Buhay na buhay ang pagmamahal kay Apo Lakay Ferdinand Marcos” [after martial law song] “Bagong Lipunan," sigaw ni Toni sa buong sambayanan na nandoon. 

Isa sa mga ipinakilala na senatorial candidate ni Toni ay si Congressman Rodante Marcoleta, isa sa mga gumisa sa ABS-CBN franchise renewal noong 2020.

Sa kabila ng pagkakaroon ng 7 milyon followers sa Instagram, 22 na lamang ang kanyang pina-follow ngayon. 

Wala na rin ni isang celebrity man ang nag follow kay Toni, tanging ang kapatid na lamang na si Alex Gonzaga ang natira sa mga nag follow sa kanya.

Nag step down na rin ang nasabing TV-host vlogger bilang host sa reality show na PBB Kumunity Season 10.

Labing anim (16) na taon ding naging main host ng Pinoy Big Brother si Toni kung kaya't sanay na ang mga manonood na siya ang nagpapatakbo at humahawak sa programa.

Ayon  sa kanyang post, "It has been my greatest honor to host PBB for 16 years" Dagdag pa ng batikang host masaya siyang masilayan ang kanyang mga dating housemates na maging mga host rin ng PBB at isa ito sa best moment ng kanyang buhay. 

"Today, I'm stepping down as your main host" ayon pa kay Toni.

Matatandaang, nakatanggap ng matinding pambabatikos ang pamilya Gonzaga lalo na ang mag asawang Toni at Paul Soriano dahil sa pag suporta nila sa tambalang BBM-SARA. 

Kaalyado kasi ng ng nasabing tambalan ang kasalukuyang administrasyon. At ito ang nagpasara sa ABS-CBN kung saan umani ng kasikatan ang Gonzaga sisters.

Samantala, inendorso ni Toni ang kanyang kasamang host na si Bianca Gonzalez na pumalit sa kanya bilang main host ng kanyang programa.

Nakatanggap naman ng suporta si Toni sa kanyang mga co-host sa naturang show. Isan na riyan sina Mariel Padilla at Bianca Gonzales at ilan sa mga kilalang personalidad.

Source: facebook