Viral ngayon ang tsismis sa social media na 'namimirata ng mga artista' ang TV host na si Willie Revillame ayon sa mga balita na nasagap ni Lolit Solis. 

Si Willie Revillame diumano ay kinausap ang mga artista sa iba't ibang mga networks para lumipat sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ayon sa mga tsismis na narinig umano ni Lolit Solis.

Ayon sa veteran columnist, 'namimirata ng artista' si Willie na siyang hindi nakakabuti para sa network.

Ilan sa mga stars na 'pinipirata' diumano ng TV host ay si Aga Muhlach. 

“Kung si Wilie man ang nag aalok, dapat bigyan siya ng proteksiyon ni Aga dahil para bang pirata ito para sa ibang network. 

Hindi maganda. Dapat malaman ito ni Willie dahil hindi maganda for him at para sa mga Villar. Know the art of confidential dealings para sa security mo at ng kinaka usap mo. Ingat ingat para bongga,” aniya.

Batid pa ng veteran columnist, kung totoo ang mga nasagap niyang mga tsismis, mas mabuti na gagawin ito ni Willie nang pasikreto.

"Dapat sa mga ganitong negotiation secret at confidential, hindi iyon parang ipinag sisigawan. Para bang heto, VILLAR station , ipapirate ka. 

Dapat kung ginagawa nga ito ni Willie Revillame dapat in secret, hindi nalalaman ng iba,” sabi ng veteran showbiz columnist.

Baka ang ginawa ng TV host ay ikakasira pa ng kanyang reputasyon at maging ang reputasyon ng mga Villar.

"Parang hindi naman maganda para sa image ng bagong network ng VILLAR iyon mga balita na para bang namimirata sila ng mga artista,” sulat pa ni Lolit Solis.

“Hindi magandang basahin na kinaka usap daw ni Willie Revillame ang mga stars tulad nila Aga Muhlach para lumipat ng istasyon," dagdag pa niya.

Ang Advanced Media Broadcasting System o AMBS ay pagmamay-ari ni Manny Villar, na kasalukuyan, ang ABS-CBN frequencies ay na-transfer na rin kay Villar.

Ang AMBS ay nagawaran na ng National Telecommunications Commission o (NTC) ng Channel 2 frequency na dating hawak ng ABS-CBN Corporation ng pamilyang Lopez. 

Source: KAMI