Nanggagalaiti ang mga netizen sa nag viral na video ng isang manugang na babae na sinisigawan at gusto ng hampasin ng kahoy ang kanyang matandang biyenan.

Sa video, kitang kita na halos sasabog na sa galit ang manugang na babae habang kinakausap niya nang pasigaw ang kanyang biyenan. 

Makikita sa video na nagsisibak ng kahoy ang matanda at di nakapagpigil ang kanyang manugang na babae na kunin ang kahoy at nagtangkang hahampasin ang matanda. 

Habang nanggigigil na ang babae sa paghampas ng dala niyang kahoy sa matanda, hindi natakot ang kanyang biyenan at sinabi pang, "sige, hampasin mo ako."

Ang puno't dulo umano ng kanilang away ay ang pagpakalat diumano ng matanda ng istorya na siya ang nagpapakain sa kanila. 

"Kayo, pinakain ko kayo...tapos di na kayo nahiya," sabi ng kanyang biyenan. 

Totoo namang si lola talaga ang nagpapakain sa kanila. Ang ikinagalit lang ng babae ay ang pagpapakalat ng balitang ito sa mga tao sa kanilang lugar. 

"Oo, pinakain nga, pero abot hanggang sa bibig ng mga tao...ang bukambibig ng mga tao. Malalaman ko na lang sa ibang tao na ganito ganyan," paliwanag ng babae habang sumisigaw sa galit.

Agad naman dumepensa ang kanyang biyenan at sinabing, "bakit hindi ba totoo?"

Hanggang sa lumalim pa ang kanilang alitan at sinabi ng babae sa kanyang biyenan na kung kailangan pa mamatay ang matanda. 

Habang nagpapaliwanag pa ang kanyang biyenan, paulit-ulit na sinasabi ng babae na sana ay mamatay na ang matanda.


Sa huling parte ng video, hindi pa rin tumigil ang babae sa pagsigaw at mas nag apoy pa siya sa galit habang ang kanyang biyenan ay nagpatuloy lang sa pagsibak ng kahoy.

Marami sa mga netizen ang nagalit sa inasta ng manugang na babae sa kanyang biyenan at sinasabihan pa ng hindi mga kanais-nais na mga salita.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nag viral na post sa Facebook:

"Grabe si ate ba magulang mo Yan ginaganyan mo Wala ka utang na loob."

"Matanda na yan si lola kaunting oras at panahon nalang ang igugugul nya sa mundo. Sa ganyang edad ay dapat hindi na binibigyan ng stress syempre kung anu man ang ugat ng problema matutu parin tayon rumispeto sa nakakatanda. Kahit matanda na kumukayod padin para lumaban sa hirap ng buhay. Nakakadurog ng puso kapag nakikita ko ang mga matatanda na inaabuso mahina na ang katawan nila dapat inaalagaan at mahalin sakit papano sumaya naman sila kahit gaanu kadami ng problema at sa hirap ng buhay. Hindi naman aabot sa ganyan kung uunawain nalang natin sila wagpairalin ang pride at init ng ulo. Respito po at pagmamahal sa kapwa yan po ang turo sa amin ng yumao kung lola at lolo."

Sa kasalukuyan, umabot na sa 111K views, mahigit 6K reactions, 2.8K comments at 9K shares sa Facebook.

Panoorin ang buong video dito!