It's Feb-ibig! Buwan ng mga puso na naman. Marami naman tayong makikita na mga pakulo ng iba't ibang couples para i-celebrate ang kanilang Valentines Day. 

Karaniwan sa mga mag jowa, nagbibigayan sila ng mga regalo para mas maipapakita pa ang kanilang pagmamahal para sa kanilang mga minamahal.

Dinadaan naman sa mga surprises ng ilang mga jowa o asawa ang kanilang mga minamahal, paraan nila para manumbalik ang kilig to the bone feels!

Katulad na lamang ng isang post na ito na agad nag viral sa social media matapos ibinahagi ng babae ang surprise na ginawa ng kanyang partner.

Sa photo, makikita na nakahiga ang babae na umano'y natutulog at nasa kanyang tapat ang isang bond paper at pera.

Sa bond paper, nakasulat ang, "Happy Valentines, Darleng. Kunin mo itong pera at basahin ang nakasulat sa ref."

Nang mabasa ito ng babae, sabik na sabik na siya sa kung ano ang gagawin niya sa pera na ibinigay sa kanyang ng jowa niya na nagkakahalaga ng Php 1,800 [in photo].

Agad pumasok sa isipan niya kung ano ang uunahin niyang i-check out sa Shopee. 

Ngunit, nadismaya na lang siya nang mabasa na niya ang sulat na nakadikit sa kanilang refrigerator.

Nakalagay dito na, "pakibayaran mo itong water bill 2300 yan paluwalan mo muna ang 300 hehe."

Nang mabasa ito, agad na nag message ang babae sa kanyang partner na animo'y nadismaya sa epic fail na surprise. 


"Wag ka nang magpakita sakin," message ng babae sa kanyang partner na may angry emoji pa.

Marami naman sa mga netizen ang natawa at naaliw sa nag viral na post sa social media. Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

Maraming mga netizen ang nakapansin na masyadong mahal umano ng kanilang water bill. 

"Limang buwan na cguro kaya 2600🤣✌️"

"Curious lng po. Bat ang mahal ng water bill nyo?"

"Napakamahal nung tubig. Habang 200 per month lang kami dito sa subd namin. Nasa 1 cubic meter or 1000 liters lang consumption per month kami. Salamat at mura tubig sa amin 😊"

Source: facebook