Viral ngayon ang TikTok video ng isang babae na patuloy na sinisigawan ang staff ng isang laundry shop at animo'y nag hysterical sa isang laundry shop sa 

Sa video, kitang kita ang pagsigaw ng isang customer sa isa sa kanilang staff at hinampas pa nga ito gamit ang kanyang kamay. 

"P4tangina mo p4tangina nyo, isa ka pa. Akala nyo di ko kayo kayang bayaran. Nasaan dito? Ituro nyo," galit na sigaw ng babaeng customer. 

Mahinahon namang sinabihan ito ng isa sa kanilang mga staff na huwag lang siyang sumigaw. Ngunit, agad na hinampas ng babaeng customer ang balikat ng staff.

Hinahanap umano ng babae ang kanyang laundry items at sinigawan niya ang staff para ituro sa kanya. "Lakad!" pasigaw na sabi ng babaeng customer. 

Ang babae umano sa video ay kinilalang si Kimmie Guarnes Vailoces at isa siyang call center agent ng kompanyang Sitel na taga Mandaluyong.

Ayon sa nag post ng video, pinost niya ito para sa kaalaman ng mga taga Mandaluyong. Wala umano siyang intensyong manira.

Noong umaga umano na nagdala siya ng laundry, wala naman daw problema ang babae. Okay na okay pa umano ito. 

Maayos pa umano itong nakipag-usap at nakikipag biruan pa umano sa isa sa mga staff sa nasabing laundry station.

Nagkasundo umano sila na ite-text na lang umano siya kapag okay na ang kanyang laundry at i-text na lang din siya kapag pwede na itong kuhanin. 

Ngunit, matapos umano ang 20-30 minuto, bumalik ang babaeng customer at nilapitan umano ang isa sa kanilang mga staff at sinabing magbabayad na siya.

Agad naman inassist ng staff nila patungo sa cashier ang babaeng customer para magbayad.

Sa gilid umano na iyon, kumakain ang isang staff at inalok pa umano ang babaeng customer na kumain. Sinabi naman niyang, "no thanks."

Sinundan pa ng tanong na kung saan siya galing. Sa pagkakataong ito, hindi na sinagot ng customer. Nagpatuloy lang sa pagkain ang staff at nanood ng TikTok videos. 

Bigla na lang siya nilapitan ng babae at sinabihan ng, "gusto mo ikaw ang sampalin ko? T4ngina mo." At hinampas niya ang staff sa balikat. 

Tatlo umano silang dinuro duro ng babae at sinabihan sila na lahat sila na nasa laundry station ay may problema. 

Nagulat na lamang sila sa inasta ng babaeng customer at sa mga sinasabi nila. Hindi nila alam kung ano ang nangyayari.

Bago pa umalis ang babaeng customer, sinigawan sila at minura pa. Hindi na rin umano nagbayad ang babae. 

Pinagbantaan pa umano ang mga staffs na mamatay sila. Naalarma sila rito kaya humingi na sila ng tulong sa lady guard ng building para tumawag ng pulis. 

Pina-blotter na umano nila ang babae at nag file na rin sila ng complaint laban sa nag hysterical na babaeng customer sa kanilang laundry shop.

Nadamay rin ang mga barangay officials sa galit ng babae. Minura rin niya ang mga ito at ang iba ay sinaktan niya. 

Sa ngayon, hindi pa nagpalabas ng statement ang babae na nasa video at maging ang kompanya kung saan siya nagtatrabaho. 

Panoorin ang buong video dito!