Halo-halo ang mga naging reaksyon ng publiko matapos ang pagbitiw ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga bilang main host ng reality show na  Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Ito ay matapos 'ma-cancel' sa social media at punahin ng mga netizen ang pagpayag niyang maging host ng UniTeam proclamation rally nitong Pebrero 8, 2022. 

Marami sa mga naging kritiko ni Toni ang kumuwestyon sa ‘loyalty’ at delicadeza ng TV host-actress.

Dahil isa sa mga senatorial candidate na ipinakilala niya ay si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga gumisa sa ABS-CBN franchise renewal noong 2020.

Kung babalikan, mismong si ABS-CBN Film Productions, Inc. managing director, Olivia Lamasan, ang nagsabi na malaki ang naitulong ni Toni para sa mga natanggal na empleyado simula ng nag retrench ito.

Isa si Toni Gonzaga sa mga pumayag na mabawasan ang kanilang talent fee para sa kapakanan ng iba pang mga ABS-CBN workers.

Sa naging selebrasyon ng kaarawan ni Toni noong 2021, nagpaabot ng pagbati si Inang Olive sa kanya noong January 17. 

Ito ay umere sa 'I Fell U' sa mismong network ng ABS-CBN. 

Dito, ibinunyag ni Inang Olive na malaki ang naitulong ni Toni G. at sobra ang kanyang pasasalamat sa aktres, ang pagpayag nitong tapyasan ang kanyang talent fee. 

Happy birthday Tin. I am sending you my heart so full of love and gratitude for everything, for all the support that you have given ABS-CBN, ABS-CBN Films, Star Cinema.”

“Sobrang maraming salamat anak. Thank you so much for staying on with us.”

“Alam n’yo po mga kaibigan, ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, ‘di ba anak? Para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho noong inorder po ng Congress na i-shutdown kami.”

“I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo, Toni. Maraming- maraming salamat.”

“I pray that God returns your generosity a thousandfold and that blessings may continue to abound you in all aspects of your life,” emosyonal na pahayag ni Olive para kay Toni.

Nagpasalamat din sa kanya si Direk Laurenti Dyogi kay Toni nang nakapanayam niya ito sa kanyang talk show vlog na 'ToniTalks' noong Oktubre 10, 2021.

Marami sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga haka-haka sa kung ano ang plano ni Toni G. matapos niyang bitawan ang pag host sa reality show at marami rin ang dumepensa sa naging desisyon niya. 

"May karapatan c Toni kong sino supportahan nya!! At saka puro kayo bitter.. dapat doon kayo sa Boss nyo na si Lopez dahil marami cyang nilabag sa batas kaya pinasara!"

Sa ngayon, wala pang inilabas ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol sa pagbibitaw ni Toni sa programa. 

Source: balita