Nanlumo ang isang lalaki at hindi mapigil sa pag-iyak matapos na-iscam ang kanyang pera na matagal na niyang pinag-iipunnan. 

Dahil sa kagustuhan na makabili ng kanyang pinapangarap na camera, matiyagang pinag-ipunan ni Christian Baran ang kanyang pinapangarap na camera.

Hanggang sa nakakita siya online ng isang camera na agad naman niyang nagustuhan ang item na ito. Kaya agad nakipag transact si Christian sa nasabing online seller. 

Naging smooth naman ang kanilang transaction hanggang sa nagbayad na si Christian ng nagkakahalagang Php 46,000 via Palawan Express.

Ang nakalagay na sender ay nagngangalang Brien Maria C. Budiongan na sinasabing taga Marikina City. 

Nag chat muli si Christian sa nasabing seller at sabay nanghihingi ng track number para sa nasabing item na kanyan ng binayaran. 

Ngunit, hindi na siya nire-replyan ng kanyang ka-transaction online. Maging ang mga messages na ipinadala sa kanya ay naka "unsent" na. 

Kaya nang mapagtanto ni Christian na siya ay na-scam, hindi niya mapigilang manlumo at hindi niya ma-control ang kanyang emosyon. 

Sabi pa ni Christian sa video, habang nagmamaneho siya ng kanyang motorsiklo, parang ang sarap na lang umano ibangga ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Agad naman siyang pinatahan ng kanyang ina at sinabing "mahalaga ang buhay, anak." 'Okay lang yan ha, mahalaga ang buhay.'

Hindi pa rin mapigil sa pag iyak si Christian at paulit-ulit sinasabi sa video na "sorry" sa kanyang ina habang nanghihina dahil sa kakaiyak.

Marami sa mga netizen ang naawa at nagalit sa nakitang sitwasyon sa video. Heto ang ilan sa mga komento:

"Ang daming manloloko ngayon..Maging lesson ito now sa atin, na pag ganito na na amount, mag actual bili na lang po sa mga shops or pawnshops po..Kawawa naman at pinaghirapan yung pera pra maipon pra doon pero bastos na seller, gaba ra na iyaha pag abot sa adlaw kay nanlamang,nangilad ug kapwa."

"Lesson to learn wag basta basta magtiwala sa tao make it sure na magkita kayo talaga at may kasulatan lalo ganyan ka laki ang halaga. Hayaan mo na p0 yun sir masakit pero god na bahala sa kanya carma is the key."

"I really appreciate how the mother handled the situation. Good job mother .your words can keep calm of your son.God bless you both .bahala na ang Lord sa nag scam.vengeance is  mind saith the Lord."

Panoorin ang buong video dito!