Sinorpresa ng aktres na si Maymay Entrata ang kanyang mga fans matapos ang kanyang Instagram post ngayong araw ng mga puso. 

Sa Instagram, ibinahagi ni Maymay ang photos niya kasama ang kanyang rumored non-showbiz boyfriend na isang foreigner. 

Sa kanyang post, naglagay siya ng caption na, "Happy Birthday my Valentino."

Ang photo na ito ay agad ninakaw ang pansin ng mga kapwa niya celebrities at inulan din ng samu't saring mga komento na nagpapahayag na 'happy' sila para sa aktres.

"OMG!!! Hala! Ngiga sa pagkagwapa sa akong miga oi! Grabe man na. Maka happy mana miga! Happy Vday miga!" wrote Kim Chiu.

[OMG!!! Hala! Ang ganda ng kaibigan ko! Grabe talaga. Talagang nakakahappy, amiga! Happy Vday miga!]

"Ganyarn!!!! Happy Valentines," said Angelica Panganiban.

Ang ilan din sa mga celebrities na nag react ay sila Maja Salvador, Janella Salvador, Dimples Romana, Bianca Gonzalez, Elisse Joson, McCoy de Leon, Chie Filomeno, Jayda Avanzado, and Mimiyuuuh.

Hot issue noon ng maraming netizen lalong lalo na sa mga kabataan ang tungkol sa usap-usapan na may relasyon nga ba si Donny Pangilinan at Maymay Entrata. 

Maraming mga tsismis ang kumakalat tungkol sa totoong namamagitan sa dalawang youngstars. May lumabas pa na bali balita na kaya raw itinatago ng dalawa ang kanilang relasyon dahil may ka love team umano si Donny, si Belle Mariano. 

Diretsahan naman itong sinagot ng young actress at recording artist nang mag guest sa online show ng ABS-CBN na "Hotspot."

Agad naman itinanggi ng aktres na si Maymay na wala silang relasyon ng dalawa ni Donny Pangilinan. Sinabi niya na naging malapit silang dalawa dahil madalas silang magkasama sa iWant ASAP bilang mga host performers. 

Kasunod nito, dinedeny din niya ang naglalabasang mga chika na nagde-date sila ng kanyang ka-love team na si Edward Barber. 

“Isa ito sa assumptions, nang sa gayun ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man.

“Siguro nagsimula ‘yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. At doon yata may mga (video) clip na parang nami-misunderstood nila ‘yung mga galawan namin, ‘yung smile namin, na akala nila nagtitinginan. 

“Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” paglilibaw ni Maymay.

Nagbigay din ng mensahe ang dalaga sa kanyang mga fans sa labis ang pagsuporta at pagmamahal at patuloy na kinilala siya sa industriya ng Showbiz. 

“Nagpapasalamat din ako sa lahat talaga ng mga fan na kumbaga kahit di ako nage-effort na pasayahin kayo, pinapasaya niyo ang sarili niyo. Joke, sorry!

‘Naa-appreciate ko ‘yon at natutuwa lang din naman ako. Pero para maging clear ang lahat hindi ako kay Donny. Wala pong kahit sino sa showbiz na in a relationship ako,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ng aktres na ang taong nagpapasaya ngayon sa kanya ay wala sa show business.

Source: push