Isang panibagong isyu na naman ang viral ngayon sa social media matapos ibinunyag ng isang Theater Artist ang kanyang masamang karanasan kay Toni Gonzaga. 

Ang Theater Artist ay kilala sa pangalang Mark Ghosn. Nangyari ang insidente sa panahon nang siya ay nag-OJT pa lamang.

Ayon sa kanyang mga naging pahayag, palagi niyang ibini-bring up ang pangyayaring iyon dahil deserve umano malaman ng lahat na 'maldita' si Toni.

"Parati kong ibi-bring up yung incident na binato ako ni Toni ng tissue sa mukha after niya ipahid sa kili-kili niya kasi deserve malaman na maldita talaga siya," sabi ni Mark.

May pagkakataon din na nag-smile umano si Mark sa aktres bilang pagpapakita ng paghanga sa kanya, ngunit inirapan lamang siya nito.

"Naka stand-by siya kas aakyat na sa stage, nag smile ako, umirap," aniya.

Irritable siya kasi namasa kili-kili niya, so nagpakuha ng tissue, inabot ko, walang thank you."

"Pinunas ang tissue sa kili-kili  habang nainip na tawagin kahit kararating niya pa lang naman,"dagdag pa ni Mark.

Inabot umano ni Mark ang mic kay Toni, ngunit nagulat siya dahil binato siya ng tissue na galing sa kili-kili ng aktres.

At pagsalang na umano sa stage, naging biglang mabait si Toni. Biglang nagsabi ng "thank you" kay Mark. 

Sinabi raw ito ni Mark sa kanyang mga classmates at doon nalaman ni Mark na kaya pala ayaw sumama ng kanyang mga classmates kapag siya ang artista, dahil may kanya-kanya din silang experience.

Ayon kay Mark, siya ang nagkukuwento lamang. Wala siyang intensyon na sirain si Toni G. sa publiko. 

Ang importante umano ay hindi tayo maduduwag na magbahagi sa mga personal na karanasan natin at sana ay hindi ito maranasan ng iba. 

Viral ngayon sa social media ang ginawang pag-unfollow ni Toni Gonzaga sa kanyang mga Showbiz friends sa Instagram. 

Ito ay matapos 'ma-cancel' sa social media nang pumayag siya na maging host sa UniTeam proclamation rally nitong Pebrero 8, 2022.

Pumayag siyang maging host sa commencement  ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio para sa presidency at vice-presidency campaign sa Bulacan.

“Tapos na, may nanalo na, tapos ang laban. Buhay na buhay ang pagmamahal kay Apo Lakay Ferdinand Marcos” [after martial law song] “Bagong Lipunan," sigaw ni Toni sa buong sambayanan na nandoon. 

Isa sa mga ipinakilala na senatorial candidate ni Toni ay si Congressman Rodante Marcoleta, isa sa mga gumisa sa ABS-CBN franchise renewal noong 2020.

Sa kabila ng pagkakaroon ng 7 milyon followers sa Instagram, 22 na lamang ang kanyang pina-follow ngayon. 

Wala na rin ni isang celebrity man ang nag follow kay Toni, tanging ang kapatid na lamang na si Alex Gonzaga ang natira sa mga nag follow sa kanya.

Nag step down na rin ang nasabing TV-host vlogger bilang host sa reality show na PBB Kumunity Season 10.

Source: facebook