Araw ng mga puso na naman! Ito ay isa sa mga pinakahihintay na araw ng mga mag jowa o mag-asawa sa buwang ito. 

Kahit saan ka nakatingin, mga couples na nagbibigayan ng mga bulaklak, tsokolate at regalo sa isa't isa. 

At kung ikaw ang isa sa mga nakatingin lang, tiyak kikiligin ka rin sa dinami dami ng mga tao na makikitang punong-puno ng kasiyahan ang kanilang mga puso.

Ngunit, sa isang post na nag viral sa Facebook, kabaliktaran naman ang naramdaman ng lalaki sa araw na ito.

Isang lalaki ang nagtangkang magpakamatay sa Bolton Bridge sa Davao City. 

Sa video, makikitang mabilis na tumakbo ang pulis para iligtas ang lalaki na animo'y 'hopeless romantic' na sa buhay.

Nailigtas naman ng mga kapulisan sa San Pedro Police Station ang nasabing broken hearted na lalaki. 

Nalaman na ang lalaki na nagtangkang magpakamatay ay broken-hearted sa kadahilanang iniwan siya ng kanyang minamahal. 

Nakita rin ng mga kapulisan suicide letter na may nakasulat na, "Salamat sa sakripisyo ga. I love you...Miss you kids I love you so much---Papa."

Marami sa mga netizen ang nagbigay ng kanilang komento at mga pahayag ng kanilang mga saloobin tungkol sa insidente.

"Suicide is not the solution,just pray🙏🙏GOD BLESS YOU Dong😊"

"Kung wala ka ng maintindhan at magulo na ang lahat.. kausapin mu si lord... Hindi un nag sa Salita pero maintindhan mu at muunawaan mo ang lahat..kung anu man ung pinag dadaanan mu ngaun..godbless brod🙏🙏"

Marami namang mga netizen ang humanga sa ginawang pagligtas ng mga pulis sa San Pedro Police Station.

"Salute sir thanks may isang tao nnmn po nailigtas sa kamatayan ☹️ depression will kill you tlaga.. for kuya di po pagpapakamatay ang solusyon sa problema mo dami daming babae dyan."

Panoorin ang buong video dito!