Naging mainit na usapan sa social media ang tila pagkakaroon ng pagbabago sa bahay ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales habang lockdown. 

Makikita kasi ang mga kagamitan na hindi na ginagamit, dahilan na pinamimigay na lamang ang mga ito. 

Inamin naman ng Kapamilya actor na winasak nila ang kanilang tahanan kabilang na ang sahig at kanilang mga cabinets.

Nai-kuwento ng aktor ang kanilang ginawa ng kanyang asawa na si Kim Jones sa kanilang bahay habang nasa lockdown.

Sa panayam sa kanya ng 'Love from Home', ibinida ng aktor na nagkaroon ng isang makeover ang kanilang tahanan kung saan binigyan naman siya ng kasiyahaan nito nang magbawas sila ng gamit.

Karamihan kasi, nang nangyari ang lockdown, walang masyadong magawa. Kaya, naisipan na lamang ng mag-asawa na i-level up ang kanilang bahay. 

“Akala mo wala kang magagawa, hindi ka magiging busy kasi nagka-lockdown. Then doon mo ma-ri-realize… nandoon pala iyong bahay mo, ang rami mong lilinisin,” panimula pa ng aktor.

“May background si Kim ng interior architecture. Funny because habang nagla-lockdown, ito iyong chance namin mag-rearrange ng bahay, mag-ayos ng walls, kung anu-ano,” ayon pa kay Jericho.

Nagkaroon di umano ng halos 200 sessions na paglilinis sa kanilang bahay kung kaya naman karamihan sa kanilang mga gamit ay ipinamigay na.

“Siguro nagkaroon kami ng around 200 sessions ng spring cleaning. So if you get to visit the house, makikita mo wala na kaming gamit dito. Pinamigay na namin, dinispose na namin lahat.”

Sabi ng aktor na  nagpagaan daw sa kanyang loob ang pagwasak ng kanilang bahay. 

“Tapos tinanggal namin iyong mga sahig, tinanggal namin iyong mga cabinets, as in basically winasak namin iyong buong bahay.” 

“Ginawa na lang namin super, super minimal kasi we just realized that, ‘Ay ito lang pala ang kailangan natin, e.’ So it’s really nice.”

Isa rin si Echo at ang kanyang asawa sa mga naging certified plantito at plantito sa panahon ng lockdown.

Dagdag pa ng Kapamilya actor, mas nakatuon ang kanilang pansin na dagdagan pa ng halaman ang kanilang bahay.