"I SURVIVED" ang bahagi ng naging pahayag ng Kapuso Actress na si Bea Alonzo matapos niyang sinabi na isa rin siya sa mga tinamaan ng COVID-19. 

Ibinahagi ng dalaga sa publiko ang nangyari sa kanya nitong nagdaang Enero nang magpositibo sa coronavirus matapos maturukan ng booster shot kontra COVID-19.

Kahapon lang, Pebrero 8, nag post si Bea sa kanyang Instagram account ng isang litrato na tinuturukan siya ng booster shot. 

Makikita sa photo, nakasuot ng facemask ang aktres at nakapikit ang mata habang tinuturukan ng booster shot. 

“The start of this year was challenging. I caught COVID in early January, just like most people (during) the COVID-19 surge,” pagbabahagi ni Bea sa caption.

Dagdag pa niya, “And at that time, I was also struggling with the worst muscle spasm, all while getting ready for my dream shoot and a brand endorsement I never thought would happen.”

Matindi rin ang mga sintomas na naramdaman ni Bea. Siguro halos lahat ng sintomas ay kanyang naramdaman sa mga panahong iyon gaya ng ilang mga celebrities na natamaan din ng COVID-19.

“It was a challenging moment. I got most of the symptoms and I was having a hard time breathing. But I survived!” sabi pa ng girlfriend ni Dominic Roque.

Dahil sa pangyayari, muli siyang nagbigay ng paalala sa mga tao na huwag maging kampante kahit na dahan-dahan nang bumabalik sa normal ang lahat.

Hinikayat din ng Kapuso aktres na magpabakuna na at magpa booster shot para masigurong may panlaban talaga sa nakamamatay na virus.

Samantala, abalang abala na ngayon ang aktres sa inaabangang comeback movie niya na kung saan makakasama niya ang Asia's Multimedia Star, Alden Richards.

Marami sa mga netizen lalong lalo na ang mga fans ni Bea na excited sa unang teleserye na gagawin ng aktres sa GMA 7. 

Pinagkakaguluhan noon sa buong online community ang isang litrato ni lumabas na side-by-side photo ni Bea Alonzo at lola ni Dominic Roque na si Zenny Tamayo. 

Hindi matapos-tapos ang pagbibigay ng mga netizen ng kani-kanilang mga komento tungkol umano sa pagkakahawig ng mukha ng dalawa at tila may "kilabot factor" na nakikita ang mga netizen. 

Ayon sa ilang supporters ng celebrity couple, pinatunayan ni Dominic ang matandang kasabihan na karaniwang nai-in love ang mga lalaki sa mga babaeng kamukha o kahawig ng kanilang nanay o lola.

Ito ay matapos kalat na kalat sa social media ang side-by-side photo ni Bea na makikita talaga ang "young version" ng lola ni Dominic na si Zenny Tamayo.

Kitang-kita sa nasabing mga litrato ang pagiging mestiza ng dalawa at ang halos parehong hugis ng kanilang mukha, ilong at labi.

Si Zenny Tamayo ay nanay ng sikat na aktres na si Beth Tamayo. Kasalukuyang naka-base ngayon sa America ang lola ni Dominic. 

Sa isa pang Facebook post na pinost ng fans na kinuha lamang sa Instagram stories ni Dominic, makikita si Bea na kasama sina Beth Tamayo at Zenny Tamayo.

Source: bandera