Muli na namang nasangkot ang vlogger na  si Whamos Cruz sa panibagong isyu matapos lumapit sa programang Raffy Tulfo in Action ang dalawang babae na pinaparatangan ang vlogger na gumawa ng isang malisyosong bagay.

Sa isa sa mga bagong episode ng RTIA, isang dalagang nagngangalang Rose Ann Sabile, isang menor de edad, itinago sa pangalang "Honey" ang dumulong sa programang Tulfo. 

Ayon sa kanila, inalok umano sila ni Whamos para sa isang "collaboration." Wala namang pag-aatubili umano na pumayag ang dalawa dahil alam nila na sikat umano ang nasabing vlogger.

Ayon kay Rose Ann, malinaw umano sa kanilang usapan na magsasama lang sila sa isang video. Ngunit, nag-umpisa si Whamos na gumawa ng isang hindi kanais-nais na bagay.

Hindi kaaya-ayang bagay ang ginawa ni Whamos nang minsang magkasama sila sa isang birthday pool party. 

Paliwanag ng dalaga, nagpumilit umano si Whamos na yakapin ang dalaga at ayaw pang pauwiin sa kanila. 

Sa bandang ito, tuloy-tuloy pa ang kanyang pangmomolestiya. 

Samantala, ang menor de edad isiniwalat na 'hinalay' umano siya ng binata at pinatungan pa siya nito sa kabila ng mahigpit niyang pagtanggi ng ilang beses.

Pareho din naman ang pang-akit na ginawa ni Whamos dahil pinangakuan siya nito ng collaboration sa kanyang vlog kung saan magpapanggap sila bilang mag "love team."

Pumayag naman si Honey sa ideyang ito, ngunit hindi niya akalain na ganun pala ang mangyayari doon sa collaboration na iyon.

Kahit na malinaw umano kay Whamos na menor de edad pa si Honey, niyaya pa rin umano ni Whamos na makipagtalik si Honey sa kanya.

Sa ngayon, wala pang inilabas na pahayag si Whamos tungkol sa isyung ipinaratang sa kanya ng dalawang dalaga na nagsumbong sa programang Tulfo.

Handa naman ang programang Raffy Tulfo in Action na pakinggan ang panig ng dalawang kampo para malaman kung ano talaga ang katotohanan.

Matatandaang, viral na viral noon sa social media ang ginawang pag 'criticize' ng ilan sa kamag-anak ng dating girlfriend ng nasabing social media influencer na si Whamos Cruz matapos tinawag siyang "Mukhang Lamok."

Nitong mga araw lang, ang internet celebrity na si Whamos Cruz ay naging isa sa mga kontrobersyal na social media personality matapos kinumpirma sa publiko ang kanilang relasyon ng isang sikat na influencer na si Antonette Gail Del Rosario.

Nag post si Whamos ng isang video na kung saan pinakita niya na silang dalawa na Antonette ay official couple na. Malaki rin ang naging preparasyon ni Whamos para sa kanyang proposal kay Antonette.

Si Antonette at Whamos ay naging official couple nitong July 6, 2021. Agad nag viral ang pinost ni Whamoz na video at hindi maiiwasan ang mga komento ng ilan sa mga netizen.

Matapos isinapubliko ang kanilang relasyon, samu't saring mga komento at reaksyon ang kanilang natanggap. May ilan na natuwa at may ilan din na hindi ikinagalak ang relasyon ng dalawa.

Panoorin ang buong video dito!