Usap-usapan ngayon sa social media ang isang sikat na Thai actor na si  Thanapat Toy Toy Chanakulpisan matapos siyang inaresto ng mga pulis dahil umano sa kanyang ginawang pag-amin sa ginawa niya sa kanyang girlfriend na si “Pim”  Chatsaran Suwannakit. 

Umamin na ang nasabing actor na bida sa seryeng “ The Dentist” at the “ Northern Boy” na siya mismo ang pumatay sa kanyang nobya at idinetalye pa mismo kung ano ang ginawa niya sa kanyang nobya. 

Ayon sa testimonya ni Toy Toy, nagkaroon daw sila ng pagtatalo at alitan tungkol sa kanyang trabaho at dahil sa impluwensiya ng alak, humantong umano ito sa hindi inaasahang pangyayari at paglalahad pa niya, naganap umano ito sa kusina.

Ngunit, kalaunan din ay umamin naman si Thanapat sa pulis tungkol sa ginawa niya sa kanyang nobya. Ayon sa kanya, dahil lang daw ito sa sobrang galit niya kaya nakaya niyang mapaslang ang kanyang nobya.

Sa report ng Thai newspaper The Bangkok Post, sinabi doon na nakita si Suwannakit na may hindi kumulang sa 20 stab wounds sa kanyang dibdib at sa iba pang parte ng kanyang katawan.

Ayon pa sa mga karagdagang reports, isang fruit knife na punong puno ng dugo ang natagpuan sa loob ng bahay na kung saan ang doon nag inuman ang magkasintahan.

Nang mahimasmasan na siya, doon pa napagtanto ni Thanapat ang kanyang ginawa sa kanyang nobya na halos hindi rin siya makapaniwala sa kanyang sarili na ginawa niya ito. Hindi na tumakas pa si Thanapat sa pinangyarihan at hinintay na lang niya ang pagdating ng mga awtoridad.

Naka detain ngayon si Thanapat sa Buri Remad Prison at ang mga pictures at videos na ini-escortan ng mga pulis palabas ng Bangkok townhouse na ngayon ay kalat na kalat na sa social media ang ginawang pag aresto ng isa sa mga sikat na Thai actor.


Marami rin sa mga fans ni Thanapat ang labis na nagulat dahil hindi lubos inakala ng mga fans ng aktor na magagawa niyang patayin umano ang sarili nitong nobya.

Hindi naman inilihim ni Pim, nobya ni Thanapat, dalawang taon na siyang lumalaban sa sakit na depression at bipolar illness. Sinabi ni Pim na pilit niyang nilalabanan ang kanyang depresyon at bipolar illness na hindi maintindihan ng maraming mga tao. 

Noong July 28 lang, ibinahagi ni Chatsaran sa kanyang Facebook account at Instagram page na mga larawan niyang may mga ilang sugat at pasa siya sa kanyang mukha. Ipinagtapat din niya na maraming beses na raw na pinagtangkaang wasakin ang kanyang buhay. 

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng mga awtoridad si Thanapat habang hindi naman siya pinayagan ng korte na mag piyansa para samantalang makalaya. 

Matatandaang itinanggi noon ng aktor na si Toy Toy Thanapat o mas kilala sa kanyang mga fans na Toy Toy nang inaresto siya ng mga pulis kamakailan (August 6) matapos siyang inakusahan na siya ang pumatay sa kanyang nobya na si Chatsaran Suwannakit dahil sa naganap na pagtatalo nilang dalawa.


Nitong Linggo lang, ang Court of Appeals, ay hindi pumayag sa appeal ng 21 taong gulang na aktor sa kanyang appeal na bail matapos ang karumal dumal na nangyari sa kanyang nobya na naganap sa Bangkok townhouse sa Khlong Sam Wa district sa halip ay nag order umano ito ng serious view sa nangyaring crime.