Mainit na mainit ngayon sa social media ang pangalan ng isang psychic na si Rudy Baldwin dahil sa kanya umanong mga 'visions' na minsan nang itinampok sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) tungkol sa kanyang mga pangitain na nagkakatotoo. 

Marami na ring mga 'visions' ni Rudy Baldwin na umano'y nagkakatotoo. Sa kanyang Facebook page, makikita ang napakarami niyang mga followers, mga taong naniniwala na totoo talaga ang mga sinasabi ng psychic. 

Ilan sa mga nakita niya sa kanyang 'visions' na umano'y nagkatotoo talaga ay ang pagsabog ng bulkang taal, plane crash ng C-130 at iba iba pang mga pangyayari sa iba't ibang sulok ng bansa. 

Dahil sa umanong pinost ni Rudy Baldwin, marami pang mga tao ang patuloy na tumatangkilik sa kanya at naniniwala sa kanyang kakayahan na makita ang hinaharap.

Ngunit, sa kabila ng mga tagumpay at mga taong naniniwala kay Rudy Baldwin, may ilan din ang nagsasabi na meron palang tinatagong baho ang psychic. 

Tulad na lamang ni Xian Gaza na kamakailan ay naglabas ng video kung saan sinabi niya na scam umano ang lahat ng mga ginagawa ni Rudy Baldwin at niloloko lang umano nito ang mga tao. 

Kaugnay nito, nagsalita na rin ang dating manager umano ni Rudy Baldwin na si Bonita Pascual.

Sa isang live video ni Bonita, isiniwalat niya ang lahat ng mga hindi magandang ginawa ni Rudy Baldwin habang siya ay nasa puder pa ni Bonita. Naglabas siya ng video dahil hindi niya nagustuhan ang umanong mga paratang ni Rudy Baldwin sa kanya habang nasa puder pa niya ito. 

Sinabi raw sa kanya ni Baldwin noon na pineperahan lang niya ang mga tao kaya't ganun na lamang ang pagkagalit ni Bonita sa dating alaga. Nais pa raw siyang idemanda ni Baldwin ngunit hindi siya natatakot dito.

Dagdag pa ng dating manager, kung may dapat man makulong sa kanila ay si Rudy iyon. Marami siyang mga ebidensya na magpapatunay na pinerahan din siya ng umanong psychic at binaboy pa umano nito ang kanyang bahay dahil pinapapunta raw ni Baldwin ang kanyang nobyo sa bahay ni Bonita para doon gumawa ng milagro.

Lahat ng kanilang ginagawa ay nakuhanan umano ng kanilang CCTV na naka install sa buong bahay. 

"Dito sya natutulog sa kwarto na 'to dito sila gumagawa ng kababalaghan ng jowa nya, kaya hindi pwede yung sinasabi nyang idedemanda nya ako.

"Tinatakot mo pa ako na idedemanda moko eh p*ta dito kayo náglandián ni Steven, ayaw nga sayo ni Steven pinilit lang namin si Steven sayo" Saad ni Bonita.

"Tingin sayo ni Steven di ka tao áswáng ka daw" dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Bonita na may anak umano si Rudy Baldwin ngunit ayaw tanggapin ng psychic ito. Kaya labis ang kanyang pagkaawa sa bata. 

Ang singil ni Rudy Baldwin noon sa tuwing may magpapa vision sa kanya ay Php 750 lamang ngunit nang makilala na siya ng maraming tao, dumoble umano ang bayad, naging Php 1500 na. 

Hinulaan umano ni Baldwin na hindi pa raw mamamatay ang kapatid ni Bonita, ngunit hindi rin nagtagal ay namatay din ito. 

"Basta eto lang, Rudy tigilan mo na ko dahil wala akong pakialam kung kaninong bahay ang gusto ong sunugin, wala akong pakialam kung ilang bundok ang gusto mong pasabugin. At saka wag kayong maniwala kasi hindi talaga marunong magvision!" saad pa ng dating manager.

Panoorin ang buong video dito!