Parang eksena sa isang pelikula ang kaganapang ito sa isang kasal na ginanap kamakailan lang sa China. Maayos na sana ang takbo ng kasal ngunit, biglang sumulpot sa kalagitnaan ng seremonya ang ex-girlfriend ng groom.

Hindi lang basta-bastang pagsulpot ang ginawa ng naturang ex-girlfriend dahil nakasuot pa ito ng isa ring wedding gown. Ayon sa ulat, hahalikan na sana ng groom ang kanyang bride nang biglang umeksena ang dating karelasyon ng groom. 

Dito ay nagmakaawa raw ang babae na balikan siya ng groom. Saksi ang lahat ng mga bisita sa kasal sa ginawa ng naturang babae. Nakunan pa ito ng video kung saan, kita ang nangyaring mala-telenobelang eksena sa naturang kasal.

Ayon sa mga naroroon, bago pa man umano nila mapigilan ang babae ay mabilis raw nito na tinakbo ang altar at nagmakaawa sa bride na siya ay balikan. Dito ay hinila-hila ng babae ang dating nobyo habang nagmamakaawa na siya na lamang ulit ang mahalin nito.

Sa video, makikita na habang umiiyak ay lumuhod pa ang babae sa harapan ng lalaki habang pilit din na inaabot ang kamay nito. Kita namang gulat na gulat sa nangyayari ang groom at ang bride na sandaling natulala.

Sa kabila ng pagmamakaawa ng kanyang ex-girlfriend, pilit naman na lumalayo dito ang groom at ibinabalibag ang kamay nito na pilit siyang hinahawakan. Panay rin ang pagpapaliwanag nito sa bride na kitang galit na sa mga nangyayari.

Hanggang sa hindi na nga nakayanan pa ng bride ang pagsulpot na ito ng ex-girlfriend ng kanya sanang mapapangasawa. Habang patuloy pa rin ang pagmamakaawa ng ex-girlfriend sa groom, nagwalk-out mula sa kasal ang bride at tumakbo sa labas. Sinundan naman ito kaagad ng groom at naiwan sa altar ang sumugod nitong ex-girlfriend.


Ayon sa ulat, nagkahiwalay umano ang groom at ex-girlfriend nito dahil sa panloloko ng huli. Ang lalaki umano ang nakipaghiwalay matapos malaman ang panloloko sa kanya ng dating ex-girlfriend.

Nang malamang ikakasal na sa iba ang dating nobyo, hindi ito marahil matanggap ng babae kaya ito sumugo sa seremonya. Humingi ito rito ng ikalawang pagkakataon ngunit, kitang hindi na ito ang mahal ng groom.

Hindi naman malinaw kung ano ang sumunod na nangyari. Ani ng ilan, hindi umano tuluyang nakasal ang bride at groom dahil sa pag-eksena ng naturang ex-girlfriend. Hindi raw kasi maaaring matuloy ang isang kasal hanggat mayroong tumututol dito.

Agad naman na naging viral ang pangyayaring ito sa social media na umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen sa loob at labas ng China. Karamihan sa mga ito ay kinondena ang ginawa ng naturang ng ex-girlfriend.

Heto nga ang ilan sa mga reaksyon at komentong ito na iniwan ng mga netizen tungkol dito:

“Ridiculous! Why force yourself on someone who doesn’t want you??? You will only live in misery!”

“Maybe she was promised a wedding, too. Men are changing everytime.”

“Shame she thinks that he's the only man in the world for her.”

“When she showed up to get her ex back, they were already married. Couldn’t she come 10 minutes early before they say I do ???? Too late, lady!”

Source: facebook