Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang batang lalaking ito mula Sorsogon na ni-reject lang naman ng kanyang crush dahil hindi raw ito kumakain ng gulay. Sa isang sulat na ipinadala rito ng kanyang crush na si Danica, humingi ito ng tawad kay Eman dahil hindi niya raw ito crush.

Ayon dito ni Danica, sa iba umano tumitibok ang kanyang puso at hindi kay Eman dahil payat daw kasi ito at hindi kumakain ng gulay. Si Eman ay isang Grade 4 student mula sa Donsol, Sorsogon.

“Dear Eman… Sorry, Eman, hindi kita crush. Eman kasi may iba na akong nararamdaman at hindi ikaw ang para sa puso ko, Eman. Ang nararamdaman ng puso ko ay si Inoy at hindi ikaw kasi ang payat mo at hindi ka kumakain ng gulay. Pero sorry talaga, Eman,” saad pa nga sa naturang liham.

Hindi pa nakontento sa kanyang sulat si Danica at ginuhit pa rito silang tatlo ni Eman at ni Inoy. Si Danica at Inoy rito ay nasa loob ng isang puso habang si Eman naman ay nasa labas. Gumuhit pa ito ng isa pang puso na may nakasulat na D (Danica) at E (Eman). Ngunit, hindi buo ang naturang puso na nagsisimbolong hindi ang mga ito para sa isa’t-isa.

Agad naman na naging viral ang naturang sulat at maraming mga netizen ang naantig sa mumunting pag-ibig ni Eman na hindi naibalik dito ng kanyang crush. Maraming mga netizen ang napangiti sa ka-cute-an ng naturang sulat bagama’t nalungkot din ang mga ito para sa pagbasted kay Eman.

“Pinamukha niya talaga kay Eman ang pinakamasakit na hagupit ng pagbasted niya sa pamamagitan ng drawing. Iyon bang nakita mo ‘yun mahal mo na may mahal ng iba sa loob ng isang puso. Siguro wala kang pambiling flowers. Lupettt.. pero ok lang, mas maganda naman ang pangalan mo kaysa kay Inoy,” mapagbirong komento pa nga tungkol dito ng isang netizen. 

Dahil sa pagiging viral ng naturang sulat para kay Eman, nakaabot din ito hanggang kay Heart Evangelista. Maging ito rin ay naantig sa mumunting sulat na ito para sa batang mayroong nararamdamang paghanga. Ayon kay Heart, ‘cute’ umano ngunit ‘heartbreaking’ ang naturang sulat para kay Eman kaya ani niya rito, okay lang daw ‘yun.

“Awww so cute yet so heartbreaking. Saw this letter from a little girl rejecting the boy who has a crush on her. Okay lang ’yan, Eman. I love you!” saad pa ng rito ni Heart sa kanyang Instagram stories.

Ngunit, ang sumunod na ibinahagi ni Heart ay nagpasaya naman sa maraming mga netizens. Pinadalhan lang naman kasi ni Heart si Eman ng isang box of goodies upang sumaya ang bata. Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Heart ang larawan ni Eman na nakangiti sa kanyang natanggap na regalo.

Bilang pasasalamat naman ay gumawa rin si Eman ng isang sulat para kay Heart sa kaarawan nito at Valentines day. Dito, pinasalamatan niya ang first lady ng Sorsogon at ipinangako na kakain na umano ito ng gulay. Ani pa nga nito kay Heart,

“Dear Ms Heart… Happy Birthday and Happy Valentine's day. Thank you sa gift. Kakain na po ako ng maraming gulay para tumaba ako. Love, Eman.”

Ayon naman kay Heart, ito umano ang isa sa pinaka-sweet na pagbating natanggap niya sa kanyang kaarawan.

Source: buzzooks