Naging trending sa social media ang mga larawang ito na ibinahagi at nakunan ng isang netizen na si Jeromie Cagayan sa Balud, Masbate.
Lunes ng gabi, ika-17 ng Agosto nang makunan ni Cagayan ang mga larawang ito kung saan makikita sa kanilang kalangitan ang mga tinatawag na ‘light pillars’. Paglalarawan pa ni Cagayan tungkol sa kakaibang mga ilaw na ito,
“A light pillar is an atmospheric optical phenomenon in which a vertical beam of light appears to extend above and/or below a light source. The effect is created by the reflection of light from tiny ice crystals that are suspended in the atmosphere or that comprise high-altitude clouds (e.g. cirrostratus or cirrus clouds).”
Ayon sa netizen, ito na umano ang pang-anim na beses na nakunan niya ng larawan ang mga lumitaw na light pillars sa kalangitan ng kanilang lugar. Ani pa nito,
“Got a chance to capture these pillar lights in a cloudy night for the sixth time! Thanks God for this heart melting night scene!”
Marami naman ang namnagha sa kakaibang tanawin na ito na ibanahagi ni Cagayan. Ayon sa ilang mga netizen, ang ganda umano nito ay maihahambing sa ‘aurora borealis’ o ‘northern lights’ na makikita sa ibang bansa tulad ng Alaska, Norway at Finland.
Dahil bihirang nakikita sa Pilipinas itong tinatawag na ‘light pillars’, marami sa mga netizen ang naghahangad na sana raw ay makakita rin nito sa kanilang lugar.
Bago mamataan sa Balud, Masbate, ilang mga lugar pa sa Pilipinas ang umano’y nakitaan din ng ‘light pillars’.
Ngunit, dahil sa pagiging madalas na umano ngayon na paglabas ng kakaibang mga ilaw na ito sa kalangitan, mayroon ding ilan na nababahala na baka raw ay mayroon itong nais ipahiwatig o di kaya ay isa itong senyales ng isang nalalapit na pangyayari.
Mas lumakas pa ang hinalang ito ng ilan nang kamakailan lang ay niyanig ang Masbate ng isang 6.6 magnitude na lindol. Ayon sa mga ito, para raw sa mga matatanda ay isa umanong hindi magandang senyales ang hatid ng ‘light pillars’. Marami ang nagasasabi na ang mga ‘light pillars’ na ito ay isang ‘beautiful disaster’.
Gayunpaman, sa kabila ng mga haka-hakang ito, mas marami naman sa mga netizen ang mga mas itinuon ang pansin sa gandang dulot ng tanawin na ito.
Maliban sa ‘northern lights’, inihahalintulad din ng mga netizen ang mga tanawing ito sa kalangitan na para umanong mga kandilang lumulutang dahil sa hugis nito.
Heto pa ang ilan sa mga komentong ibinahagi ng mga netizen tungkol sa mga larawang ito na ibinahagi ni Cagayan:
“It does look like the Northern Lights. I wish my area had the same access to witness such splendor that this person gets to enjoy.”
“Looks like "Aurora" in Iceland.”
“Those are angels of God. Messengers telling us to be nice, humble, kind, respectful and have fear for our Lord.”
“Ang ganda!!! Pero may ibig sabihin yan.. ang dami ng kakaiba.. at kakatakot na pangyayari!!!”
Source: facebook