Isang lalaki mula New Orleans, Lousiana sa Estados Unidos ang nakahanap ng isang kakaiba at misteryosong bagay sa Mississippi River.

Hindi lamang ito basta kakaiba at misteryoso dahil, ayon sa naturang lalaki ay isa umano itong gamit ng isang mangkukulam na nabuhay ilang daang taon na ang nakakaraan.

Bagama’t nagtatrabaho bilang isang bartender, ang hilig talaga umano ni Shane Mears ay ang paghahanap ng mga bagay mula sa nakaraan katulad na lamang ng mga hisorical relics.

Kahit anong mga bagay na mayroong importanteng kinalaman sa nakaraan ay kinokolekta ng 52 taong gulang na si Shane. Kadalasan, naghahanap ito sa mga lokasyon kung saan, mayroong mga bahay na dating nakatayo o di kaya ay mga lugar na dinemolish o iba na ang itsura ngayon.


Mula sa mga lumang bala galing pa noong unang panahon hanggang sa mga sinturon na ginamit ng mga tao mula sa nakaraan, kinokolekta lahat ni Shane. Ngunit, kamakailan lang ay nakatagpo si Shane ng isang bagay na para sa kanya ay kakaiba mula sa mga bagay na kadalasan niyang natatagpuan.

Sa kanyang paghahanap sa maputik na bahagi ng Algiers Point na nasa kanlurang bahagi ng Mississippi River, isang bote na umano’y pagmamay-ari ng isang mangkukulam mula sa 1800’s ang nakuha ni Shane.

Sa loob ng naturang bote ay mayroong mga buhok, ngipin, salagubang o ‘beetle’, at umano’y likido na ihi.

Ayon kay Shane, noong mga taong 1800’s ay mayroon umanong bahay na dating nakatayo doon sa lugar kung saan nito natagpuan ang naturang bagay.


Ang umano’y ‘witch bottle’ na kanyang natagpuan ay maaari raw ginamit ng isang mangkukulam bilang proteksyon sa isang lugar o di kaya ay ginamit din sa aktwal na pangkukulam.

Bagama’t nakakatakot ang naturang bagay ay natutuwa naman umano si Shane na nakanap siya ng naturang kakaiba at hindi pangkaraniwang bagay. Ani pa nga ni Shane sa kanyang ibinahaging Facebook post,

“While relic hunting in Algiers, I unearthed my first witch bottle. Still corked, it contains: a9 tooth, human hair, a pincher beetle, and possibly, urine. Located in an area where a home existed in the mid-1800's (and the bottle dating from that time period, as well), such an object may have been used as a protection spell for the property. It also may have been used in voodoo to cast a different spell…

“Anyway, it is a rare, creepy-cool find! Yaeeee…”


Dahil ang naturang bagay ay mayroong posibilidad na ginamit ng isang mangkukulam, hindi maiwasan na matakot din ng marami tungkol sa kung ano umano ang maaaring mangyari kapag binuksan ang naturang bote.

Kaya naman, payo ng iba, huwag umano sanang buksan ni Shane ang naturang ‘witch bottle’ dahil kinakabahan umano ang mga ito sa maaaring mangyari. Pinayuhan din ng mga ito si Shane na ibalik na lamang ang bote sa pinanggalingan nito.

Ngunit, nang tanungin si Shane kung ano ang gagawin nito sa natagpuan niyang ‘witch bottle’, bagama’t wala itong plano na ibalik ang bote sa kung saan niya ito nakuha, aniya ay itu-turn over niya naman umano ito sa isang museo.

“I was thinking of donating it to one of the museums. That would kind of be the best home for it. It would be neat if my grandson and granddaughter could go in and see what I did,” pahayag pa nito.

Source:  facebook