Hindi matatawaran ang mga magaganda at dekalidad na pelikulang inihandog ng mga primyadong direktor at mga natatanging artista ng bansa. Mga pinoy man o banyaga ay nahumaling sa mga pilikulang ito. Ngunit anong pelikula nga ba ang pinakapumatok at minahal ng publiko? Halina’t alamin natin.
10. My Ex and Why’s
“Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?” Ito ang mga linyang galing sa pelikulang My Ex and Why’s na nagtrending kahit hindi pa man naipapalabas ang pelikula. Ang pelikulang ito na pinagbibidahan ng tambalang Liza Soberano at Enrique Gil ay naging usap-usapan sa Twitter at nagpatrending ng iba’t-ibang linyang may hugot. Tumabo lang naman ito ng 400 milyong peso sa buong pagpapalabas ng pelikula sa loob at labas ng bansa. Kumita agad ang pelikula ng 31.5 milyong peso sa unsang araw nito sa mga sinehan noong Pebrero 15, 2017. Hindi kataka-taka na marami ang nahumaling sa pelikula dahil sa magaling at batikang Direktor Cathy Garcia-Molina na siyang naging direktor nito. Ang iba pa sa mga kasama sa pelikula ay sina Joey Marquez, Ryan Bang, Karen Reyes, Ara Mina, Arlene Muhlach at Kai Cortez. Sa pelikulang ito, si Enrique Gil ay gumanap bilang ‘Gio’ na isang babaerong nais patunayang nagbago na siya sa kanyang ex-girlfriend na si Cali, ang karakter ni Liza Soberano.
9. Girl, Boy, Bakla, Tomboy
Ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na 2013 Metro Manila Film Festival entry ng nag-iisang Vice Ganda ay hindi kataka-takang mapasali sa listahang ito. Kumita lang naman ang pelikula ng 421 milyong peso sa direksyon ng namayapa nang Direktor Wenn V. Deramas. Isa ito sa nagpasayo sa mga manonood noong pasko na kinabilangan ng mga aktor at aktres na sina Maricel Soriano, Joey Marquez, Ruffa Gutierrez, at iba pa. Ginampanan ni Vice Ganda ang apat na karakter sa pelikulang ito na sina Girlie, Peter, Mark Jill, at Panying, ang quadroplets na Jackstone. Ang pelikulang ito ay tungkol sa muling pagkikita ng magkakapatid na Girlie at Peter kina Mark Jill at Panying matapos nilang mahiwalay sa isa’t-isa noong silay sanggol pa lamang.
8. The Amazing Praybeyt Benjamin
Kasunod ng tagumpay nang naunang Pelikula ni Vice Ganda na The Unkabogable: Praybeyt Benjamin noong 2011, pinagbigyan niya ang sequel ng pelikula na The Amazing Praybeyt Benjamin noong 2014. Hindi naman ito binigo ng masa dahil kumita lang naman ang pelikula ng 455 milyong peso. Isa rin itong entry sa taon-taong MMFF at naging pinaka-patok na pelikula nang taong iyon. Nakasama ni Vice Ganda sa pelikulang ito sina Richard Yap, Tom Rodriguez, Alex Gonzaga, at Bimby Aquino Yap.
7. Starting Over Again
Ang pelikulang Starting Over Again ay pinagbidahan ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga at ang Ultimate Leading man ng Kapamilya Network na si Piolo Pascual. Inihandog sa mga manonood ang pelikulang ito bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng Star Cinema. Mahigit sa 480 milyong peso ang kinita nito mula sa pagpapalabas ng pelikula sa loob at labas ng Pilipinas. Sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas ay agad na kitang kumita ng 25 milyong peso. Ilan sa mga nakasaman nila Piolo at Toni sa pelikulang ito ay sina Iza Calzado, Beauty Gonzales, Joross Gamboa, Yayo Aguila at iba pa. Ito ay sa direksyon ng mahusay na direktor Olivia M. Lamasan.
6. Beauty and the Bestie
Ang Beauty and the Bestie ay isa na namang pelikulang pinagsamahan ni Direktor Wenn V. Deramas at ni Vice Ganda para sa 2015 Metro Manila Film Festival. Kagaya ng mga nauna nitong pelikula ay napakadami rin ng kinita ng pelikulang ito. Humigit kumulang 529 milyong peso ang kinita ng pelikulang ito. Magkasamang pinagbidahan ng matalik na magkaibigang sina Vice Ganda at Coco Martin ang pelikulang ito. Ginampanan ni Vice Ganda ang karakter ni Erika na dating bestfriend ni Emman, ang ginampanang karater ni Coco Martin. Nangangailangan ng pera si Erika kung kayat sumang-ayon ito nang hilingin na Emman na magpanggap siyang si Miss Uzeklovakia na siyang hinahanap ng spy na si Emman. Nakasama rin nila sa pelikulang ito ang bigating tambalan nina James Reid at Nadine Lustre, ang JaDine. Nakakalungkot lamang dahil ito na rin ang huling pelikulang ginawa ng batikang direktor na si Wenn V. Deramas bago ito pumanaw.
5. A Second Chance
Sino ba naman ang hindi pa nakakanood o nakarinig manlang sa Pambansang Hugot Movie ng bansa, ang A Second Chance, na sequel na minahal ng lahat na One More Chance. Kumita lamang ito ng tumataginting na 556 miyong peso. Maraming Pilipino ang naka-relate sa programang dahil sa mga linya nitong damang-dama at tagos sa puso. Marami ang pinaiyak ng karakter na sina Basha at Popoy, na ginampanan ng mga magagaling at natatanging aktor ng kanilang henerasyon, sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Sa pagbubukas pa lang ng pelikula noong Nobyembre 25, 2019 ay kumita na agad ito ng higit 43.3 milyong peso. Hindi na naman binigo ni Cathy Garcia-Molina ang mga manonood sa natatanging pelikulang ito. Tinalakay sa pelikulang ito ang naging buhay nina Popoy at Basha matapos nilang ikasal at ang realidad at pagsubok na hinaharap ng mag-asawa.
4. Fantastica
Isa na namang pelikula na puno ng katatawanan ang inihandog ni Vice Ganda sa mga Pilipino nito lamang 2018, ang Fantastica. Naging usap-usapan ang pelikulang ito dahil sa mga bigating kasama sa pelikula na nanggaling hindi lamang sa Kapamilya Network kundi sa kabilang network. Kabilang sa mga isinama ni Vice Ganda sa pelikulang ito ay sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Jaclyn Jose, Bela Padilla, Maymay Entrata at Edward Barber (MayWard), Loisa Andalio at Ronnie Alonte (LoiNie), at iba pang bigating artista. Kumita ang pelikula ng 596 milyong peso mula sa pinagsamang mga palabas sa loob at labas ng Pilipinas.
3. The Super Parental Guardians
Ang pelikulang The Super Parental Guardians ng Box Office Star na si Vice Ganda ang kasalukuyang pelikula niya na may pinakamalaking kinita. Ito ang ikalawang pagkakataon na bumida sila ng kanyang matalik na kaibigang si Coco Martin pagtapos ng kanilang pelikula noong 2015 na Beauty and the Bestie. Tumabo ng higit-kumulang 598 milyong peso pelikulang ito ng Unkabogable Star. Ito rin ang unang pelikula ni Vice Ganda kay Direktor Kris Bernal matapos ang pagpanaw ng malapit niyang kaibigan na si Direktor Wenn V. Deramas. Ang pelikulang ito sana ay kasali sa Metro Manila Film Festival ng taong iyon ngunit hindi ito naisali sa listahan ng pumasa sa MMFF. Dahil rito, ipinalabas ang pelikula noong Nobyembre 30, 2016. Ang kwento ay tungkol sa pagtayong magulang nina Arci, karakter ni Vice Ganda, at Paco, ang karakter ni Coco Martin, sa mga batang sina Megan at Ernie na ginampanan ng mga batang artistang sina Awra Briguela at Onyok Pineda.
2. The Hows of Us
Ang pelikula na pinagbidahan ng pinakasikat pinakamaningning na tambalan sa kasalukuyang henerasyon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang mga tinaguriang Phenominal Box Office Stars. Dinimog ang pinakahihintay na pelikula na ipinalabas sa halos lahat ng sinehan sa buong bansa at sa maraming bansa. Ito ay minsang naging pelikula na may pinakamalaking kinita sa lahat, dahil sa kinita nitong 805 milyong peso. Gumawa ng maraming kasaysayan ang pelikulang ito bilang kauna-unahang pelikula na kumita ng 600 milyong peso sa loob lamang ng 20 araw at kauna-unahan ring pelikula na kumita ng 800 milyong peso sa loob lamang ng 50 araw. Hindi matawaran ang galing na ipinkita ng tambalan at magkarelasyon sa totoong buhay na sina Kathryn at Daniel sa pelikulang ito na tumangap ng kabi-kabilang parangal sa kanilang pagganap. Ginampanan nila ang mga karakter na labis na kinahumalingan ng publiko, si Primo (Daniel) at si George (Kathryn). Marami ang tumawa at umiyak sa natatanging storya ng pag-ibig ng dalawa sa direksyon ng natatanging direktor Cathy Garcia-Molina.
1. Hello Love, Goodbye
Matapos lamang ng tagumpay ni Kathryn Bernardo sa pelikulang The Hows of Us ay muli na naman itong bumida sa pelikulang Hello Love, Goodbye. Gumawa ng kasaysayan ang pelikulang ito dahil sa unang pagkakataon ay nagtambal isang pelikula ang dalawang artistang galing sa magkabilang network. Katambal dito ng Box Office Queen si Alden Richards ng GMA Network. Dahil sa kakaibang tambalang ito, tinangkilik at inabangan ng mga tao ang pelikula. At nagtagumpay nga ito sapagkat tinalo lang naman ng pelikula ang The Hows Of Us sa laki ng kinita ng natatanging pelikulang ito, na parehong si Molina ang naging direktor. Ito na ngayon ang may pinaka malaking kinitang pelikula sa lahat na may kitang umabot sa humigit kumulang 885 milyong peso. Dahil nga sa hindi pangkaraniwang pagtatambal ng dalawa ay hindi nito inaasahan ang labis na pagtangkilik sa pelikula. Minahal ng mga manonod ang karakter ni Alden Richards na ayon pa nga sa mga komento ng mga manunuod ay ikinagulat nila ang galing nito sa pagdala ng karakter ni Ethan at gayon din kay Kathryn sa pagdala sa karakter ni Joy. Minahal ng husto ng mga manunuod ang chemistry sa pagitan ng dalawa at humihingi ng sekwel para sa napagandang estorya ng pelikula. Unang pinalabas sa mga sinehan ang pelikula nitong Hulyo 31 ng kasalukuyang taon.
Sources: Wiki