Isa na namang pangyayari na nagpapakita ng kabutihan ng loob ang nag-viral sa Facebook nito lamang Sabado. Talagang hindi pa rin nawawala ang pagiging totoo at mapagmalasakit nating mga Pinoy.




Ayon sa isang Julie Ann Presnillo, kumakain lamang siya sa may Makati nang hindi niya namalayan na nalaglag na pala ang kanyang pitaka o wallet.


"Kanina habang kumakain ako sa Marikina, di ko napansin [na] nalaglag na pala [ang] wallet ko. Lahat pa naman ng ID's ko andito sa wallet saka po may perang laman," sabi ni Presnillo sa kanyang Facebook post.





Mabuti nalang daw ay itong 'palaboy' na ito ang nakakita sa wallet niya. Mga importanteng bagay pa naman ang nasa loob ng kanyang wallet. Kinalabit daw siya nito at tsaka itinuro ang pera niyang nasa lapag na. Sa sobrang dami raw ng dumadaan sa oras na iyon, maswerte siya at itong lalaking ito ang nakakita.


"Sobrang thankful ako sa kanya, napakabuti mo. God bless you po, sana magkita pa tayo soon. Mag-iingat ka palagi," dagdag pa ni Presnillo.


Ayon sa kanya, inaya niya raw itong kumain ngunit nagmamadali itong umalis. Dahil rito, nais niya itong muling makita.


Tunay nga naman talagang kapuri-puri ang kabutihang ipinamalas ni kuya kung kaya't hindi kataka-taka ang mga positibong komento na natanggap nito sa mga tao.


Bumaha lang naman ang mga papuri ng mga netizens sa may mahigit nang isang libong [1000] reactions na viral post ni Presnillo.

Sabi nila, hindi pa daw talaga nauubusan ng mga mabubuti at mababait na tao sa mundo.


Sabi pa nga ng isang komento galing kay Carryboi Ax, kung sino pa raw iyong palaboy ay siya pa iyong may mabuting kalooban. Dagdag pa nito, "Sana oil!" (sana lahat).


"Yan ang nagpapatunay sa kasabihang 'don't judge a book by its cover'. Hindi dapat husgahan ang isang tao based on his physical appearance dahil sila pa 'yung mas mabuting tao," saad naman ng isang komento galing sa isang Charm Muñez.


Isa pang netizen ang nagkomento sa post ni Presnillo. Sabi nito, "May God bless you more than you deserved. Yan 'yung tipo ng tao na walang-wala pero di nagka-interes sa bagay na kailangan niya pero alam niya na di kaniya. Palaboy man pero ang pinakamahalaga niyang katangian ay mayroon siyang dignidad."


Dagdag rin ng iba, ito daw ang dapat na binibigyan ng pabuya o pagkain man lang kaysa doon sa mga nang-aagaw at gumagawa ng masama. Panay rin ang tanong sa komento kung binigyan ba ni Presnillo ng premyo ang lalaki.


Mayroon namang ibang netizens na hindi nagustuhan ang pagtawag ni Presnillo ng 'palaboy' sa lalaki.


Sabi ng mga ito, hindi naman palaboy ang lalaki, baka naman raw ay namamasyal lang. Mayroon ding nagsabing hindi talaga ito palaboy dahil mukha lamang itong palaboy ngunit isa rin lang itong mamimili doon sa lugar. Sana raw ay 'kuya' nalang ang itinawag rito at hindi 'palaboy'.


Sa huli, hindi pa rin maikakaila ang kabutihang ginawa ng lalaki. Nagpapatunay ito na lahat ay pwedeng gumawa ng kabutihan, at hindi hadlang kung ano man ang sitwasyon o estado nito sa buhay.

Watch full video:


SOURCE: MARIKINA NEWS