Kumakalat na ngayon sa internet ang mga larawan ng wardrobe malfunction na nangyari kay Lars Pacheco, ang 2nd runner up na transwoman sa Miss Q and A Season 1 noong 2018, na nangyari kaninang tanghali sa programang It's Showtime.




Ang isa sa mga hosts na si Vice Ganda ay agad na nagsalin sa madlang people at sa mga manonood sa kanilang mga tahanan ukol sa pangyayari. Humingi ito ng tawad sa hindi inaasang insidente, na ayon sa kanya ay hindi ginusto ng sinuman.

“Gusto lang po naming bigyang linaw ang naganap kaninang pangyayari kay Lars Pacheco,

“Nagkaroon po kanina ng wardrobe malfunction si Lars Pacheco," panimula ng host.

Ayon rito, kahit si Lars Pacheco man ay hindi ginusto ang nangyari, at bagkus ay napahiya pa.


“Wala pong may kagustuhan nun, kahit po si Lars ay hindi kagustuhan ang pangyayari, at sinuman sa mga host o bahagi ng programang ito ay hindi ginusto ang mga pangyayari,

“At kahit po si Lars ay sobrang na-embarrassed sa pangyayaring yun kaya kung meron mang na-offend doon ay humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng nakakita at nakapanood," dagdag pa nito.



Nangyari ang insidenteng iyon kay Lars sa unang bahagi ng programa kung saan kinakanta ng mga host at mga bahagi ng programa ang kanilang theme song kasama ang audience o madlang people.

Katabi niya sa bahaging ito si Kuya Kim, isa sa mga host, nang hindi namalayan ni Lars na lumabas na pala ang kanyang kaliwang dibidib. Nang mapansin ay agad namang tumagilid si Lars para ayusin ang damit, ngunit, dahil Live na ipinapalabas ang programa ay huli na ang lahat.

Huling-huli ng kamera ang nangyari sa kanyang nip-slip Wardrobe Malfunction at malinaw na nasaksihan ng mga manonood.



“Gayunpaman, uulitin ko, wala pong may kagustuhan sa naganap na wardrobe malfunction,” ang panapos ni Vice Ganda sa kanilang public apology.

Ngunit, sa kabila ng pakiusap ng karamihan at mga nangangasiwa sa programa na huwag ikalat at respetuhin si Lars, ay kalat na kalat pa rin ang video clip at mga larawan ng insidente.

Dahil nga ang linggong ito ay espesyal dahil sa pagdidiwang nila sa ika-sampung taon ng programa, iniimbitahan ng It's Showtime ang mga taong naging bahagi nito na dumalo.

Isa na rito ang mga naging kandidata o kalahok sa dalawang matagumpay na edisyon ng Ms. Q and A, na siyang kinabibilangan ni Lars Pacheco.


Source: PEP.PH